Thursday, May 7, 2009

Ako Mismo


Habang nanunuod ako ng laban ni Manny Pacquiao at Ricky Hatton.. isang commercial sa TV ang napansin ko. Nakita nyo nana yung ad ng akomismo.org? Star-Studded ang commercial n ito.. haha andun din kasi ung mga artista na gusto ko kaya naging interesado ako.

•Angel Locsin (actress)
•Arnel Pineda (lead singer - Journey)

ayan..tapos nagustuhan ko din ung dogtag na suot nila.. ampf ang buong akala ko pag nag sign-up ako sa akomismo.org ay makakakuha ako ng libre at tumatangingting na DOG-TAG. haha!

dali-dali ko binuksan ang pc at ni-run ang aking Google Chrome browser. Nagmamadaling itype ang akomismo.org sa address bar. PRESTO! andun nako sa site at tinitignan ang intro.. eto ang bumulaga sakin. AKO MISMO.. (isulat ang gagawin mo)

anak ng! akala ko kung anu na gagawin..haha! nung una wala akong maisip na mailagay..ngayon sinubukan ko magpaka-makabayan kuno. at nilagay na "Ako mismo tutulong ako sa pamamahagi ng edukasyon sa mga kababayang mahihirap". Nung una ang naiisip ko lang ay magsulat ng kahit ano para makapag register na at makuha ang pinakamimithi kong dog-tag. Pero habang binabasa ko ang mga pledge ng ibang tao dunsa wall of commitments.. mejo napaisip pa ako ng mas malalim. Ano nga ba ang tunay na purpose nila sa movement na ito? Bakit kailangan ng wall of commitments para sa bayan?

Unti-unti ko tuloy naramdaman na nagpakatanga ako. Nag-asam ako ng dog-tag pero pwede pala akong makatulong sa bayan sa pagtupad ng aking pledge. Naisip ko..sa ngayon siguro eh hinde pa ako makakatulong sa pag-aaral ng mahihirap.. hinde ko sila kayang tustusan.. pero naisip ko din hinde lang naman sa problemang financial ko sila pwedeng tulungan. Mga simpleng bagay gaya ng pagtuturo o pagbabahagi ng aking mga nalalaman ay isang paraan na. Siguro nga panahon na para tigilan ko na ang pagiging makasarili ko at mapagwalangbahala. Dahil kahit s mga ganitong paraan pala ay may mga kababayan akong matutulungan. Naisip ko.. siguro masarap sa pakiramdam pag alam mong may nagawa kang tama at mabuti para sa ibang tao.. para ka na din gumawa ng mabuti sa sarili mo..ayos! ngaun lang ako nakaramdam ng ganito..

O cya.. naamoy ko na ang napakabangong BICOL EXPRESS ng ate ko. AT kumakalam na din ang sikmura ko. AKO MISMO! AY LALAMON NA!


No comments:

Post a Comment